OFW Party-list, kinokondena ang pag-hostage sa 17 Pinoy seafarer ng grupong Houthi mula Yemen

OFW Party-list, kinokondena ang pag-hostage sa 17 Pinoy seafarer ng grupong Houthi mula Yemen

HINIHIMOK ni overseas Filipino workers (OFW) Party-list Rep. Marissa del Magsino ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na masusing makipag-usap sa mga bansang nakapalibot sa lugar upang mailigtas ang mga Pilipinong marino.

Matatandaan, una nang kinumpirma ng DFA na aabot sa 25 crew members ang hinostage sa isang cargo ship ng Houthi Rebels noong Nobyembre 19 sa Red Sea na ang ilan sa kanila ay mula Bulgaria, Romania, Ukraine, at Mexico.

Habang 17 naman sa mga ito ay Pilipino.

Posibleng may koneksiyon ito sa tensiyon sa pagitan ng mga militanteng Palestino at Israel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble