OFW Party-list, nababahala sa sitwasyon ngayon sa NAIA

OFW Party-list, nababahala sa sitwasyon ngayon sa NAIA

HINDI lang surot pati na rin daga at iba pang itinuturing peste sa paliparan ang binabantayan ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Bukod pa rito, kinukuwestiyon na rin ng OFW Party-list ang iba’t ibang isyu at problema sa NAIA na hanggang ngayon ay wala pa ring kongkretong solusyon sa paliparan.

Dahil sa iba’t ibang isyu at mga problema na nangyayari ngayon sa NAIA ay aminado ngayon ang OFW Party-list na nababahala na rin sila sa kasalukuyang kalagayan ng paliparan.

Kabilang na ang nag-viral na post ng ilang mga pasahero sa social media na naging biktima ng pangangagat ng surot sa NAIA Terminal 2 at 3.

Ayon kay OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino, bagama’t batid nito na ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) ay nagsasagawa na ng komprehensibong inspeksiyon sa pasilidad at sanitasyon sa paliparan,

“Ako po ay tunay nababahala sa umiiral na kalagayan sa Ninoy Aquino International Airport Terminals 2 at 3, lalo na sa mga ulat tungkol sa mga diumano’y insidente ng surot at daga na nagdudulot ng pangamba at hindi komportableng karanasan para sa mga pasahero,’’ ayon kay Representative Marissa “Del Mar” Magsino, OFW Party-list.

Dagdag pa rito ang patuloy na problema sa congestion sa loob ng paliparan at ang mabagal na daloy ng trapiko sa paligid nito.

‘‘Ang mga isyung ito ay hindi lamang nagdudulot ng abala sa ating mga kababayan, kundi pati na rin sa imahe ng ating bansa sa pandaigdigang komunidad,” dagdag pa ni Cong. Magsino.

Iminungkahi ng kongresista sa mga ahensiya ang pagsasagawa ng malalim na pag-aaral kung ano ang contributing factors sa matinding congestion at delay sa loob ng airport, lalo ang pila sa Immigration at maging ang daloy ng trapiko ay halos hindi gumagalaw paikot sa NAIA 3.

Kinuwestiyon din ni Magsino na ang ganitong problema ay pabalik-balik at wala pa ring pangmatagalang solusyon.

“Hindi ba’t pabalik-balik ang problemang ito? Bakit wala pa din pangmatagalang solusyon?” ayon kay Magsino.

“Ang ating mga paliparan ay hindi lamang gateway sa ating tourism industry kung hindi pati ng ating labor migration. Ang pagkaantala sa proseso sa departure ng ating mga OFWs ay naglalagay ng kanilang kabuhayan sa alanganin dahil sa posibleng missed flights na magreresulta sa hindi pagtupad sa kanilang deployment schedules o return-to-work orders,” aniya.

Ilang Pasahero sa NAIA, nagbigay ng reaksiyon sa isyu ng surot sa airport

Samantala, hindi lingid sa kaalaman ng mga pasahero ang balita kaugnay sa mga kumakalat na surot sa mga upuan sa NAIA, nagbigay naman ang iilan sa kanila ng reaksiyon habang nag-aantay ng kanilang flight paalis ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble