OFW Partylist, nakahandang tumulong sa naiwang pamilya ni Jullebee Ranara

OFW Partylist, nakahandang tumulong sa naiwang pamilya ni Jullebee Ranara

TINIYAK ng OFW Partylist na nakahanda itong tumulong sa naiwang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na pinaslang sa Kuwait na si Jullebee Ranara.

Inihayag ni OFW Partylist Representative Marissa del Mar Magsino na ang ginawang karumal-dumal na pagpaslang kay Jullebee Ranara ay dapat agad tugunan ng gobyerno.

Ito hindi dahil sa dagdag-statistic lamang kundi dapat aniya mabigyan ng pamahalaan ng tamang hustiya ang pagkamatay ng Pinay worker.

Ayon din sa kongresista, walang garantiya kung ang nangyari kay Jullebee ay hindi na maaring maulit sa mga OFW sa Kuwait.

Gayunman tiniyak din ng kongresista na handang tumulong ang OFW Partylist sa naiwang pamilya ni Jullebee.

Samantala, ipinagmamalaki naman ng opisyal na ang OFW Partylist ay nakikipagtulungan na sa Supreme Court of the Philippines at Public Attorney’s Office para sa libreng legal online counseling para tugunan kinahaharap na kaso o problemang legal ng ating mga kababayan abroad.

Follow SMNI NEWS in Twitter