MATAPOS ang oil price rollback noong nakaraang linggo, may taas-presyo naman ang mga kumpanya ng langis, ngayong araw.
Sa anunsyo ng Pilipinas Shell, Seaoil at Caltex, tataas ng dalawampung sentimos ang presyo sa kada litro ng gasolina habang piso at limang sentimos sa diesel.
Tataas rin ng piso at dalawampung sentimos ang kada litro ng kerosene.
May kaparehong bawas presyo naman sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petrogazz, Phoenix Petroleum Philippines, Flying V at Petron.
Epektibo ang naturang oil price hike ngayong 6:00ng umaga maliban sa Caltex na alas-dose uno ng hatinggabi at Cleanfuel na alas-kwatro uno ng hapon magpapatupad.