MAGPATUTUPAD ng oil price rollback ang ilang kompanya ng langis simula ngayong araw ng Martes.
Sa abiso ng Pilipinas Shell, Seaoil, at Caltex, 35 sentimos ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina at 10 sentimos sa diesel.
May bawas-presyo rin ang kompanya na
30 sentimos sa kada litro ng kerosene.
May kaparehong bawas-presyo naman sa gasolina at diesel ang Petrogazz at Cleanfuel.
Pawang epektibo ang naturang bawas-presyo ng 6:00 ng umaga maliban sa Cleanfuel at Caltex na 12:01 ng hatinggabi.