Oil price hike, nakaamba ngayong Linggo

Oil price hike, nakaamba ngayong Linggo

MATAPOS ang dalawang linggong rollback ay bad news nanaman sa mga motorista dahil may nakaambang oil price hike ngayong Linggo.

Ito ay batay sa unang apat na araw ng trading sa Mean Of Platts Singapore (MOPS).

Tinatayang mula 50 hanggang 74 sentimos ang magiging dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Mula 70 hanggang 96 sentimos naman ang inaasahang dagdag sa kada litro ng diesel.

Habang 24 sentimos o walang paggalaw sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Inaasahang malalaman ang eksaktong price adjustment ngayong araw ng lunes, Pebrero 20, 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter