NAKAPASOK na sa Pilipinas ang Omicron XBB subvariant at XBC variant ng COVID-19.
Sa press conference, iniulat ni Department of Health (DOH) OIC Maria Rosario Vergeire na nakapagdetect sila ng 81 na kaso ng XBB sa dalawang rehiyon at 193 na kaso ng XBC sa 11 na rehiyon sa bansa.
Ayon kay Vergeire, 70 sa XBB cases ay nakarekober na, walo ang nanatili sa isolation habang inaalam pa ang outcome ng tatlong kaso.
Samantala, 176 aniya sa XBC cases ay nakarekober na, 3 ang nasa isolation, 5 ang nasawi habang beneberipika pa ang outcome ng natitirang 9 na kaso.
Batay sa impormasyon, ang XBC variant ay sinasabing “recombinant” ng Delta at BA.2 variants habang ang XBB subvariant ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng new COVID-19 cases sa Singapore.