BALIK face-to-face classes na ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Pasig bukas, Marso 9, 2023.
Ito ang inanunsiyo ng Pasig City Public Information Office sa kanilang social media page.
Ang pagbabalik on site ay kasunod ng anunsiyo ng mga transport group na tatapusin na nila ang isang linggong tigil-pasada, 2 araw matapos itong simulan noong Lunes, Marso 6, 2023.