BINIGYANG-diin ng bagong Philippine National Police (PNP) Chief ang mahigpit na implementasyon ng One Strike Policy sa loob ng PNP.
Ayon sa bagong PNP Chief na si Police General Rommel Francisco Marbil, tiyak aniya na hindi na susubukang magkamali ng mga pulis sa alinmang yunit sa ilalim ng pinaigting na One Strike Policy.
Sa kabilang banda, iginiit ni Marbil na maliit lamang ang porsiyento ng mga masasamang pulis habang mayorya ng mga tauhan nito ay magagaling at maaasahan sa kanilang mga tungkulin.
Nauna nang nilinaw ng bagong pinuno ng PNP na magiging lead by example siya sa mahigit na 200 libong pulis sa buong bansa.