Opening ceremony sa 2024 Paris Olympics, mananatiling isasagawa sa River Seine—chief organizer

Opening ceremony sa 2024 Paris Olympics, mananatiling isasagawa sa River Seine—chief organizer

BINIGYANG-diin ni chief organizer Tony Estanguet na hindi magbabago ang venue para sa opening ceremony ng 2024 Paris Olympics.

Mananatiling isasagawa aniya ito sa River Seine.

Sa kabila ito ng pangamba ng ilang security services sa France hinggil sa open space na pagsasagawa ng seremonya.

Anila, mahirap tiyakin ang seguridad sa malawak na area at malaki rin ang banta ng terror attack o stampede.

Aabot naman sa 45-K miyembro ng French security forces ang ide-deploy sa nabanggit na event kasama ang libu-libo ring pribadong security guards.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble