NATUKOY na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ID ng lokasyon ng ilan pa sa mga suspek na sangkot sa pagbebenta ng SIM card na bukod sa rehistrado na ay may account na rin ito sa isang e-wallet.
Gayunman ay sinabi ng NBI na patuloy pa rin nilang inaalam ang mga pagkakakilanlan o kung sino-sino ang nasa likod ng modus.
Nauna diyan ay nasakote ng Anti-Cybercrime Division ng NBI sa entrapment operation ang apat sa mga suspek sa ilegal na bentahan ng SIM card at patuloy pa ang follow up operation para masakote ang iba pa.
Nakumpiska naman sa naturang operasyon ang mga registered SIM card na mayroon ng verified G-cash accounts na ibinebenta ng P700 ang bawat isa.
Ang 4 na naarestong suspects ay sinampahan na ng mga reklamong paglabag sa Cyber Prevention Act of 2012.