HINDI mawawala ang operasyon ng EDSA Bus Carousel.
Ito ang inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista kasunod ng hirit ng ilang city bus operators na ibalik sa kanila ang kanilang pre-pandemic routes kabilang na ang EDSA at alisin na lang ang bus carousel.
Ayon kay Bautista, maganda ang pagbibigay serbisyo nito sa publiko pati na rin ang ginhawa sa mga pasahero dahil sa mabilis na biyahe nito.
Nakikita rin aniya ng publiko ang ibinibigay nitong ginhawa sa mga pasahero pati na ang mas mabilis na biyahe nito.
Dagdag pa nito na mahihirapan nang ibalik ang dating sitwasyon ng mga bus sa EDSA dahil sa matindi na idinudulot nitong trapiko.