INANUNSIYO ng Department of Transportation (DOTr) na extended ang operating hours ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 simula ngayong araw ng Disyembre 20 hanggang Disyembre 23.
Kasunod na rin ito sa utos ni Transportation Secretary Jaime Bautista dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Christmas rush.
Simula Disyembre 20-22, alas kwatro ng madaling araw ang unang trip ng tren ng LRT-1 habang 10:45pm ang last trip mula Baclaran at 11pm sa Fernando Poe Jr., Station.
Sa darating na Disyembre 23, alas singko ng umaga ang first trip, pasado alas diyes ng gabi ang last trip.
Sa bisperas ng Pasko, pasado alas otso ng gabi ang las trip ng LRT-1.
Samantala, ang last trip ng MRT-3 ay extended ng 10:30pm sa North avenue station habang pasado 11pm sa Taft.
Ang last trip naman ng Antipolo station ng LRT-2 ay alas diyes ng gabi at 10:30pm naman sa Recto Station.