MULING inanunsiyo ng pamunuan ng railway services sa Metro Manila na magpatutupad sila ng tigil-operasyon ngayong Semana Santa.
Magsisimula ang tigil operasyon ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3 at Light Rail Transit-Line 2 (LRT2) sa Holy Wednesday o sa Abril 13 at inaasahang babalik ito sa Abril 18 o sa Easter Sunday.
Suspendido rin ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR) mula Abril 14, sa Maundy Thursday hanggang Abril 16 o sa Black Saturday at magbabalik ang normal operation sa Abril 17.
Habang ang operasyon ng Light Rail Transit-1 (LRT1) ay sususpendihin simula Abril 14 hanggang Abril 17 at magbabalik ito sa Abril 18.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nakatakda silang magsagawa ng annual maintenance activities sa nasabing mga petsa upang patuloy na makapagbigay ng ligtas at maasahang transportation system.