PINARANGALAN ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang ipinakitang galing at dedikasyon sa pagpapanatili ng kaayusan at maayos na seguridad sa ginanap na FIBA Basketball World Cup.
Ginawa ang pagbibigay ng parangal kasabay ng National Peace Consciousness Month sa Camp Crame sa pangunguna ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez, Jr.
Iginawad ang medalya ng “Pambihirang Paglilingkod” kay Police Regional Office (PRO)-3 Regional Director PBGen. Jose Hidalgo, Jr.
Ayon kay Galvez, naipakita sa buong mundo ang kakayahan ng Pilipinas na magdaos ng world-class sporting event.
Samantala, ibinigay naman ang medalya ng “Kadakilaan” kay Police Corporal Abdurafiq Akalun ng PRO-Bangsamoro Autonomous Region dahil sa pag-aalay ng kaniyang buhay sa isang ambush sa Basilan noong Agosto.