OPM Icon Basil Valdez, magsasagawa ng ‘concert-for-a-cause’ para sa mga homeless children

OPM Icon Basil Valdez, magsasagawa ng ‘concert-for-a-cause’ para sa mga homeless children

MAGSASAGAWA ng ‘benefit concert’ ang OPM icon na si Basil Valdez para sa mga homeless na mga kabataan sa lungsod ng Maynila.

Ang “Sundan ang Bituin” concert ay gaganapin sa December 16, 8pm sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.

Ang benepisyaryong tinutukoy ay ang Tulay ng Kabataan Foundation.

Ayon sa executive director ng foundation, ikinatuwa niya ang ‘benefit concert’ na ito ni Basil Valdez lalong-lalo na’t ang diwa ng Pasko ay pagbibigayan.

 

 

Follow SMNI News on Twitter