Order na Moderna vaccines ng mga pribadong ospital sa Thailand, darating sa Q1 ng 2022

Order na Moderna vaccines ng mga pribadong ospital sa Thailand, darating sa Q1 ng 2022

DARATING sa unang kwarter ng 2022 ang order na Moderna vaccines ng mga pribadong ospital sa Thailand.

Aabot sa 8.6 milyong doses ng Moderna vaccine na inorder ng mga pribadong ospital at iba pang ahensya sa bansa ang idedeliver sa katapusan ng unang kwarter sa susunod na taon.

Ito ang inihayag ng Private hospital association President na si Chalerm Harnpanich.

Ang mga ospital at ahensya na bumili ng Moderna ay matatanggap ang kanilang order sa dalawang yugto.

Sa unang yugto naman ng mga delivery ay matatanggap ng mga ito ang sampung porsyento ng kanilang order.

Noong Lunes, limandaan animnapung libo at dalawandaang doses ng vaccines ang dumating sa bansa kung saan pitumput pitong porsyento ang idedeliver sa mga pribadong ospital

Samantala, inaasahan namang darating ang 1.9 milyong moderna vaccines sa katapusan ng taon.

SMNI NEWS