Japan PM Kishida, nangako ng $10-B upang tulungan ang Asya na makamit ang zero emission

Japan PM Kishida, nangako ng $10-B upang tulungan ang Asya na makamit ang zero emission

NANGAKO si Japanese Prime Minister Fumio Kishida ng $10-B upang tulungan ang Asya na makamit ang zero emission.

Dumalo si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa UN Climate Summit noong Martes, at nangako ito na maglalaan ito ng  $10-B na pondo sa loob ng limang taon para matulungan ang Asya sa landas patungo sa zero carbon emission gamit ang kanyang world stage debut para ipakita ang kanyang pamumuno sa pagsugpo sa global warming.

Ayon kay Kishida sa kanyang talumpati sa ikalawang-araw ng UN climate talks sa Scotland, ang Japan ay magpapatuloy na magsagawa ng mga pagsisikap tungo sa net zero emissions sa Asya ang makina ng pangdaigdigang paglago ng ekonomiya.

Ang dalawang linggong pagpupulong na ito o mas kilalang COP26 Summit ay nagsimula noong linggo upang isulong ang mga aksyon para maiwasan ang mga masamang epekto ng global warming.

Mahigit sa isandaang pinuno sa buong mundo ang nakiisa sa pagtitipon at nagpahayag ng bagong pangako upang harapin ang krisis sa nagbabagong panahon.

SMNI NEWS