Orientation sa murang pabahay, dinaluhan ng halos 3-K benepisyaryo sa Laguna

Orientation sa murang pabahay, dinaluhan ng halos 3-K benepisyaryo sa Laguna

SA pakipagtulungan ng Wings of Hope Foundation sa Lupa Land Utilization and Productivity for All (LUPA), dinagsa ng mahigit 3-K mamamayan ang Manaol Covered Court sa Nagcarlan, Laguna para dumalo ng isang orientation na nais magkaroon ng sarili at murang pabahay.

Ang murang pabahay na iniaalok sa mga Pilipino ay bahagi pa rin sa Pambansang Pabahay program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Para naman kay Wings of Hope Foundation Founder Capt. Irene Mora, kapag naka-avail na ng murang pabahay ang bawat pamilya, mahalaga pa rin ang sustainability, education, information, at tamang plataporma kung saan dapat magkaroon ng special education ang mga anak na benepisyaryo ng pabahay.

Kaya naman ang Wings of Foundation ay nakipag-partner sa LUPA para tumulong na magkaroon ng sustainability ang bawat benepisyaryo ng murang pabahay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter