INILUNSAD ng Pasig City government ang kanilang ‘Ortigas Market’ na isang bagong weekend food hub.
Layunin ng Ortigas Market na tulungan ang maliliit na negosyo at vendor na umunlad sa gitna ng pandemya.
Matatagpuan sa F. Ortigas Road (dating Emerald Avenue) sa Ortigas Center sa Barangay San Antonio ang ‘Ortigas Market’.
Naglalaman ng 33 stalls ang ‘Ortigas Market’ na nag-aalok ng iba’t ibang lokal na pagkain.
Maaaring bumisita sa palengke tuwing Sabado mula 7:00 am hanggang 2:00 pm.