IGINIIT ng COMELEC na hindi na palalawigin ang overseas voting.
Ito’y sa kabila ng mga problemang naengkwentro ng ilang posts gaya ng pagkaantala ng pagdating ng mga balota at iba pang election materials, tampered envelopes na naglalaman ng mga balota, COVID lockdown at security problems.
Ayon kay COMELEC Commissioner Marlomn Casquejo, hindi na maaring lumagpas sa May 9 ang botohan dahil paglabag na ito sa batas.
Tiniyak naman ni Casquejo na ang delayed election materials ay natanggap na ng mga post o paparating na.
Titingnan din aniya ng COMELEC ang mga reklamo ng mga overseas voter tulad ng hindi pagbabasa ng VCM ng boto para sa isang posisyon lamang.
Sinabi ni Casquejo na titingnan ng COMELEC kung nai-record ang protesta at ikukumpara ang VVPAT o ang receipt sa actual ballot.
Paliwanag ng COMELEC official, posibleng hindi basahin ng VCM ang boto para sa isa o higit pang posisyon kung hindi nakamit ang shading threshold o mahigit isang oval ang na-shade ng botante sa isang posisyon.
BASAHIN: Mga Pinoy na nakaboto na sa Macau, umabot na sa mahigit 4,000