AABOT sa higit isang daang libong estudyante sa Pilipinas ang nakatanggap ng school supplies at dental kits mula sa Office of the Vice President noong 2024.
Batay sa ulat ng OVP, higit 184,000 na PagBaBAGo Bags ang kanilang naipamahagi sa mga estudyante ng higit isang libong paaralan sa bansa mula Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon.
Layon ng nasabing programa na mapabuti ang pag-aaral ng mga estudyante at maiwasan ang pagliban sa klase na dulot ng sakit sa ngipin.
Sa ilalim din ng PagBaBAGo: A Million Trees Campaign, lagpas 186,000 na mga puno ang naitanim ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte sa pitumpu’t isang lokasyon noong 2024.
Layon ng OVP na mamahagi ng isang milyong backpacks at makapagtanim ng isang milyong puno hanggang 2028 sa buong Pilipinas.