OVP, namahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Tagbilaran City

OVP, namahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Tagbilaran City

NAMAHAGI ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa pamamagitan ng Disaster Operations Center (DOC) nito sa mga biktima ng sunog sa Tagbilaran City sa Bohol kamakailan.

Nasa 79 pamilya o 318 na indibidwal ng Poblacion Dos ang nakatanggap ng rice assistance mula sa OVP-DOC sa pamamagitan ng satellite office nito sa Cebu City.

Matatandaan na lumiyab ang sunog sa fishing community ng Tagbilaran nitong December 23.

Kabilang sa mga biktima ng sunog ay 12 senior citizen, 4 na buntis at 5 persons with disabilities (PWDs).

Follow SMNI NEWS in Twitter