Blessing at Ribbon-cutting Ceremony sa bagong Office of the Vice President Central Office, pinangunahan ni VP Sara

Blessing at Ribbon-cutting Ceremony sa bagong Office of the Vice President Central Office, pinangunahan ni VP Sara

PINANGUNAHAN ni Vice President Sara Duterte ang Blessing at Ribbon-cutting Ceremony sa bagong Office of the Vice President (OVP) Central Office nitong Lunes.

Ayon kay VP Duterte, pinagsikapan nila na magkaroon ng opisina kung saan ang mga empleyado ng Central Office ng OVP ay nasa iisang gusali lamang.

Ani Duterte nais nitong maging mas epektibo, mas matipid, at mas mapabilis ang trabaho sa Central Office ng OVP.

Dagdag pa ng pangalawang pangulo na maasahan na mas mapalalawak ang mga kasalukuyang programa ng tanggapan at ang paglunsad ng mga bagong programa na naglalayong makapagbigay ng tulong sa mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter