DAHIL sa hamon ng buhay, hindi sapat ang pang-araw-araw na kita ng pamilya ni Sitti upang matustusan ang kanilang pangangailangan.
Kaya naman, lumapit siya sa Office of the Vice President (OVP) upang humingi ng livelihood assistance para mapalago ang kaniyang kabuhayan.
Sa tulong ng OVP-Western Mindanao Satellite Office, naisakatuparan ni Sitti ang mga kinakailangang dokumento upang maging kwalipikadong benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) Program.
Sa pamamagitan nito, natanggap niya ang ₱15,000 livelihood grant bilang pandagdag puhunan para sa kaniyang negosyong paggawa at pagbebenta ng pugon—isang gamit na mahalaga sa maliliit na negosyo.
Ang MTD Program ay isa sa mga pangunahing inisyatibo ng OVP na naglalayong tugunan ang kawalan ng trabaho at magbigay ng suporta sa mga maliliit na negosyante, lalo na sa vulnerable at disadvantaged sectors, kababaihan, at LGBTQIA+ community.
Sa patuloy na pag-alalay ng OVP, mas maraming Pilipino ang nagkakaroon ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang kabuhayan at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.