P-pop boy group na Yes My Love excited sa panibagong genre ng musika

P-pop boy group na Yes My Love excited sa panibagong genre ng musika

KILALA sa kanilang makulay na performances at mga kantang pinaghalo na pop, dance, at up-beat music ang P-pop boy group na Yes My Love.

Bukod rito, kilala rin ang grupo sa kanilang fashionable visuals at stage presence.

Pero sa kanilang latest single na “Coffee Date,” na inspried sa K-drama vibe, maririnig ng mga fans ang bagong music taste ng grupo na kakaiba sa kanilang previous albums.

Sa isang press conference para sa kanilang single, ibinahagi ng grupo na ang kanta ay ipinu-produce ng singer-songwriter na si Yeng Constantino na siyang nagtulak sa grupo na tapusin ang proyekto at i-record ito.

Sinabi rin ng member na si Brian na from OPM style ay gusto naman nilang subukan ang ibang tunog na sigurado naman na makakasabay pa rin ang kanilang fans.

Mapapakinggan naman ang “Coffee Date” sa mga sikat na streaming platforms katulad ng Spotify, Apple Music, YouTube, Deezer, at Amazon Music.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble