P1.3-B emergency allowance para sa health workers, ipinag-utos ang agarang pag-release

P1.3-B emergency allowance para sa health workers, ipinag-utos ang agarang pag-release

IPINAG-utos ng Department of Health (DOH) ang agarang pag-release sa P1.3-B pondo para sa health emergency allowance ng mga health worker.

Ang nasabing pondo ay para sa mga private at public health worker na nangunguna sa pagtugon sa pananalasa ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ang nasa P157.1-M na allowance para sa mga pribado at public health workers simula noong Enero ay idadaan naman sa Regional Center for Health Development (CHD) sa 10 rehiyon.

Habang ang P802.3-M naman ay para sa health emergency allowance sa mga pribadong ospital sa Metro Manila at CALABARZON na idadaan din sa kani-kanilang CHD.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter