NAARESTO ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. 20, Tondo, Manila.
Kinilala ni PDEG director Police Colonel Dionisio Bartolome Jr. ang suspek na si Croisito Cubilla Torres, 27-taong gulang.
Nakuha sa suspek ang nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na mahigit P1.3-M, boodle money at cellphone.
Dinala na ang suspek sa PDEG Special Operations Unit-National Capital Region sa Taguig City para sa documentation at proper disposition.
Habang ang mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa PNP Forensic Group sa Camp Crame para sa laboratory examination.