P1.3-M halaga ng shabu, nasakote sa buy bust ops ng PNP sa Camarines Sur

P1.3-M halaga ng shabu, nasakote sa buy bust ops ng PNP sa Camarines Sur

NAARESTO ang suspek na si Antonio Lagatic Salamanque, 53 anyos kasunod ng isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Special Operations Unit 5 sa Camarines Sur.

Nahuli ang suspek ganap na alas-3 ng madaling araw ng Lunes, ngayong Hunyo 24, 2024.

Nakuha mula kay Salamanque ang nasa 200 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may standard drug price na P1.36-M.

Agad na dinala ang suspek sa Libmanan Municipal Police Station para sa documentation at proper disposition sa mga nakumpiskang ebidensiya sa pangangasiwa ng forensic unit sa Camp Simeon Ola para isailalim sa laboratory examination.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble