P1 provisional increase sa jeep, inaasahang ipatutupad sa Nobyembre—LTFRB

P1 provisional increase sa jeep, inaasahang ipatutupad sa Nobyembre—LTFRB

IPINAALAM ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bukod sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga operator at tsuper dahil sa walang prenong taas-presyo sa produktong petrolyo.

Nakatakda ring diringgin ng ahensiya ang P2 at P4 na hirit na taas-pasahe na inihain ng magkakaibang transport groups.

Pero, habang pinag-aaralan ng LTFRB ang P2 at P4 taas pasahe, ay posibleng magpatupad na ng P1 provisional increase sa Nobyembre para sa tradisyunal na jeep.

Paliwanag ni Asec. Teofilo Guadiz III, Chairperson ng ahensiya, mahabang proseso pa ang igugugol ng LTFRB sa P2 at P4 na taas-pasahe.

Aniya, ikukonsulta pa ito sa National Economic and Development Authority (NEDA) upang balansehin na hindi makaapekto sa inflation rate ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble