P102-K halaga ng shabu, nakumpiska ng QCPD sa 3 drug suspects

P102-K halaga ng shabu, nakumpiska ng QCPD sa 3 drug suspects

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen Redrico A. Maranan ang pag-aresto sa tatlong kalalakihan sa ikinasang drug buy-bust operation ng QCPD La Loma Police Station PS 1 at pagkakumpiska ng Php102,000.00 na halaga ng shabu kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ayon sa ulat ng PS 1, sa pamumuno ni PLtCol. Ferdinand M. Casiano, kinilala ang mga suspek na sina Jobeth Baltazar, 27 taong gulang, residente ng Brgy. Tatalon; Florante Jr. Escueta, 27 taong gulang, residente sa Brgy. Obrero, Quezon City; at Roosevelt Tugma, 44 taong gulang, residente ng Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Isinagawa ng mga operatiba ang buy-bust operation dakong ika-12:30 ng madaling araw, kahapon ng Agosto 1, 2024, sa kahabaan ng AIB Sagada St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City matapos ipagbigay-alam ng isang concerned citizen ang kanilang ilegal na gawain.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at bumili ng Php500.00 na halaga ng shabu sa suspek na si Baltazar. Sa pre-arranged signal, siya ay naaresto kasama ang dalawa niya pang kasamahan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php102,000.00, at ang buy-bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni QCPD Director PBGen. Maranan ang mga operatiba ng PS 1 para sa matagumpay na operasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble