P13M halaga ng ilegal na droga, nakita mula sa 21 parcels na iniwan sa NAIA

P13M halaga ng ilegal na droga, nakita mula sa 21 parcels na iniwan sa NAIA

TINATAYANG nasa P13M ang halaga ng mga ilegal na drogang nakita ng mga awtoridad na 21 iniwang mga parcel sa Central Mail Exchange Center, Pasay City.

Huwebes, Disyembre 5, 2024 nang kumpiskahin ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang mga parcel na pinaniniwalaan sanang naglalaman ng mga libro, wiring harnesses, skincare products, at mga damit.

Sa pagsalang nito sa inspeksiyon, nasa 7.79 kilograms o katumbas ng P10.9M na high-grade marijuana ang nilalaman ng mga parcel kasabay ang nasa 1,229 na ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P2.08M.

Ang consignee at pinagmulan ng parcel ay hindi pa isinapubliko ng mga awtoridad dahil nakikipag-ugnayan pa ito sa kanilang international counterparts.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble