P16-Billion, inilaan para sa wage hike ng gov’t workers

P16-Billion, inilaan para sa wage hike ng gov’t workers

IGINIIT ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na naglaan ang Marcos Jr. administration ng P16-Billion para sa mga empleyado ng gobyerno.

Aniya, ilalaan ang pondo para sa wage hike o taas sahod ng mga kawani ng pamahalaan sa ilalim ng P5.678-Trillion 2024 proposed national budget.

Ayon kay Pangandaman, may P48 million na budget sa Governance Commission for Government and Owned Controlled Corporation na siyang kukuha ng consultancy service para pag-aralan ang ‘compensation and classification’ ng mga taga pamahalaan.

At kung ire-rekomenda ang taas-sahod, handa ang administrasyon na ipagkaloob ito sa susunod na taon.

“Assuming that they will recommend an increase, we will be able to include it before we pass the budget. For 2024, we have P16.95 billion for compensation adjustment that may be pursued starting next year,” ani Pangandaman.

Kinuwestyon naman ng ilang mambabatas ang para sa kanila ay maliit na budget para sa wage increase.

Pero tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na lahat ng pondo ng bayan na gagamitin sa 2024 ay gagamitin sa lahat ng programa at proyekto ng gobyerno.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter