P176M na tax evasion case inihain ng DOJ vs. contractor

P176M na tax evasion case inihain ng DOJ vs. contractor

NAGHAIN ang Department of Justice (DOJ) ng kasong tax evasion laban sa isang government contractor dahil sa umano’y paggamit ng pekeng resibo.

Nagkakahalaga ng P176M ang inihaing kasong kriminal laban sa Hilmarc’s Construction Corporation sa Court of Tax Appeals nitong Pebrero 26, 2025.

Partikular na nilabag ng contractor ang Section 254 at 255 kaugnay ng Section 253 at 256 ng Tax Code.

Nag-ugat ang reklamo ng Bureau of Internal Revenue laban sa nasabing korporasyon at mga opisyal nito dahil sa umano’y paggamit ng pekeng resibo mula sa mga ghost company upang umiwas sa pagbabayad ng buwis.

Pinalabas pa ng Hilmarc’s na ang mga pekeng resibo/invoice na inisyu ng mga ghost company na Unimaker Enterprises Inc. at Everpacific Incorporated ay mula sa lehitimong transaksiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble