DEDESISYUNAN ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Marso ang isinumiteng aplikasyon ng Meralco hinggil sa P19B refund nito sa kanilang customers.
Ayon sa ERC, malaking pakinabang ito para sa customers dahil malapit na ring mararanasan muli ang tag-init sa bansa.
Katumbas ang refund ng nasa P0.19 kada kilowatt-hour para sa mga residential customer sa loob ng tatlong taon.
Ngunit sa pahayag ng ERC, maaaring tumaas pa rito ang halaga ng refund at imbis na tatlong taon, posibleng sa loob lang ng isang taon ito ipatupad.
Ang refund ay nagmumula sa sobrang nakolekta ng Meralco mula sa mga customer nila simula noong Hulyo 2022 hanggang Disyembre 2024.