IMINUNGKAHI ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Kongreso na pagmumultahin ng P2-M bawat araw ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Kasunod ito sa nangyaring malawakang power shortage sa Panay Island, Western Visayas na nag-umpisa nitong Enero 2, 2024.
Sa pahayag ni Department of Energy (DOE) Sec. Raphael Lotilla, ang multa na P2-M bawat araw ay para sa paglabag o non-compliance ng NGCP sa regulatory rules sa usaping kuryente.
Maaari ding ang halaga ng multa ay katumbas ng isang porsiyento sa halaga ng delayed project batay sa ERC-approved project cost, depende kung ano ang mas may mataas na halaga.
Sa mungkahi ring ito ay nais ni Lotilla na ihiwalay na o ilipat na sa iba mula sa NGCP ang systems operation function hinggil sa pag-susuplay ng kuryente.
Ninanais din ng DOE na bisitahin ang franchise ng NGCP para matiyak na maiiwasan na ang pagkakaroon ng aberya.