P2-M, pabuya sa makapagturo sa kinaroroonan nina Bantag, Zulueta—DOJ

P2-M, pabuya sa makapagturo sa kinaroroonan nina Bantag, Zulueta—DOJ

MAGBIBIGAY ng pabuya ang Department of Justice (DOJ) kasama ang National Bureau of Investigation (NBI) para matunton na ang wanted na si dating Bureau of Correction (BuCor) Director General Gerald Bantag at si BuCor Officer Ricardo Zulueta.

Ang halaga ng pabuyang pera para kay Bantag ay nasa P2-M habang P1-M naman para sa makapagtuturo ng kinaroroonan ni Zulueta.

Inilabas na rin ng DOJ ang wanted poster para sa dalawa kung saan si Bantag ay may last known address na Kaunlaran, Village Dagat-dagatan, Northern, NCR habang si Zulueta ay may last known address na Pandi Height, Cacarong Matanda, Pandi, Bulacan, Central Luzon.

Matatandaan na dalawang warrant arrest ang naka isyu laban sa dalawa mula sa Muntinlupa at Las Piñas Regional Trial Court (RTC).

Ito’y matapos ang murder sa mamamahayag na si Percy Lapid at Bilibid inmate na si Jun Villamor.

Sa isinampang kaso laban kay Bantag, at Zulueta ang itinuturong mastermind sa pamamaslang.

Matatandaan na sinabi ng kalihim na ilang beses nagpadala ng feeler si Bantag para sa intensyong pagsuko pero hanggang ngayon ay hindi pa ito lumalantad sa mga awtoridad.

Tiwala ang kalihim na hindi pa nakakaalis si Bantag sa bansa at makatutulong ang pabuyang pera para mas madaling matunton ang dating opisyal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter