SINIRA ng Kalinga Police Provincial Office ang nasa P24-M na halaga ng tanim na marijuana.
Katumbas ito ng 120-K na tanim mula sa isang marijuana plantation sa Brgy. Butbut Proper, Kalinga.
Sinira ang mga tanim na marijuana nitong Enero 22-23, 2024.
Mula rito ay muling ipinangako ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera na mananatili silang nakatutok sa kanilang anti-illegal drugs operations sa rehiyon.