P281-M, ipinangako ng Japan para sa farm-to-school feeding project sa BARMM

P281-M, ipinangako ng Japan para sa farm-to-school feeding project sa BARMM

NANGAKO ang Japan ng P281-M na halaga ng suporta para sa ipatutupad na farm-to-school feeding project sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa ilalim ng farm-to-school meals project ng United Nations World Food Programme na susuportahan ng Japan ay bibigyan ng masustansiyang pagkain ang mga mag-aaral sa primary school katuwang ang mga mangingisda at magsasaka sa lugar.

Tinatayang nasa 35-K ang makabebenepisyo rito.

Para kay Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko, target nilang mabigyan ng tamang nutrisyon ang mga batang mag-aaral sa BARMM kasabay ang pagbibigay tulong din sa lokal na agri sector.

Ang Pilipinas ang kauna-unahang Asian country na kasali sa school meals coalition, isang proyekto na naglalayong suportahan ang iba’t ibang pamahalaan tungo sa pagpapaunlad ng kalidad ng pagkain ng mga kabataang mag-aaral.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble