P37B na proyekto para sa health system resiliency, inaprubahan ng NEDA Board

P37B na proyekto para sa health system resiliency, inaprubahan ng NEDA Board

INAPRUBAHAN ng NEDA Board nitong Miyerkules ang programang “Philippines: Health System Resilience Project, Phase 1” ng Department of Health (DOH).

Layunin ng nasabing programa na pahusayin ang mga hakbang sa pag-iwas, paghahanda at pagtugon para sa health emergency sa mga lugar na higit na nangangailangan.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P37B. Prayoridad nito ang mga lugar sa bansa na may mahirap na access sa serbisyong pangkalusugan.

Samantala, tinukoy na ng DOH ang 17 lalawigan para sa pilot run ng naturang programa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble