P4.73-B, halaga ng pinsala ng Bagyong Carina sa agri sector—DA

P4.73-B, halaga ng pinsala ng Bagyong Carina sa agri sector—DA

NASA P4.73-B ang halaga ng pinsalang dulot ng Bagyong Carina at hanging Habagat sa sektor ng agrikultura.

Batay ito sa ulat na inilabas ng Department of Agriculture (DA).

Sa kanilang record, saklaw ang 12 rehiyon.

Nasa 137,999 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan nito sa Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at Caraga.

Nasa 68,690 metric tons naman ang mga nasirang produkto sa 82,824 ektaryang sakahan.

Ayon sa DA, mamamahagi sila ng P301.72-M na halaga ng rice at corn seeds at P17.63-M na halaga ng vegetable seeds.

Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay mamamahagi rin ng fingerlings, fishing gears, at paraphernalia para sa mag apektadong mangingisda.

Nanalasa ang Bagyong Carina noong nakaraang buwan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble