STRIKTONG ipatutupad ng Department of Agriculture (DA) ang P42 per kilo na rice program sa ilang piling pamilihan sa Metro Manila.
Ayon kay DA Spokesperson Arnel de Mesa, mayroong P5B na inilaan para sa rice for all program upang magtuloy-tuloy ito.
Ang Food Terminal Inc. na rin ang mamamahala sa logistics upang maiwasan ang karagdagang charges mula sa retailers at traders.
Samantala, pagkatapos sa Manila ay sisimulan na rin ang implementasyon nito sa mga probinsiya.