P5.5B na desalination plant sa Iloilo sinimulan nang itayo

P5.5B na desalination plant sa Iloilo sinimulan nang itayo

SINIMULAN na ng Metro Pacific Water ang konstruksiyon ng P5.5B desalination plant sa Iloilo.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), layunin ng desalination plant na matugunan ang kakulangan ng tubig sa probinsiya.

Gagamit ang naturang pasilidad ng advanced reverse osmosis technology upang gawing inuming tubig ang tubig-alat.

May kapasidad itong makapag-produce ng 66.5K cubic meters ng tubig bawat araw.

Kapag natapos, ito na ang pinakamalaking desalination plant sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble