P5-B na pondong tinapyas sa NTF-ELCAC sa 2023, ibabalik ng Kamara –Rep. Sandro Marcos

P5-B na pondong tinapyas sa NTF-ELCAC sa 2023, ibabalik ng Kamara –Rep. Sandro Marcos

PERSONAL na isusulong ni Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na maibalik sa orihinal na P10-billion ang pondo ng NTF-ELCAC para sa susunod na taon.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI, saad ni Marcos na personal nitong pinaimbestigahan kung totoo bang binawasan ng P5-billion ang budget ng task force sa 2023.

Matapos makumpirma, giit ng batang Marcos na personal niyang ilo-lobby na maibalik sa P10-billion ang pondo.

‘’Actually may nakita kami na nabawasan. I don’t know if what part, pero may nabawasan na P5-B so naging P5-B. But, I lobbied through the certain committees through the certain parties na i-rerestore na. So, ibabalik na yung P5-B so P10-Billion total na naman. Hopefuly that’s the part of the House,’’ ayon kay Rep. Marcos.

P10 billion ang orihinal na pondo ng Department of Budget and Management para sa support to the Barangay Development Program ng Task Force.

Subalit, naunang sinabi ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na binawasan ng P5-billion sa House version ng budget ang pondo.

Nagpapatuloy ngayon ang paghimay ng Senado at Kamara sa BICAM para isapinal ang 2023 national budget.

At umaasa ang batang Marcos na aayon ang mga senador na gawing P10-billion ang NTF-ELCAC budget.

‘’Hopefully on the part of the Senate, matching din ang kanilang amount na P10-Billion talaga ang NTF-ELCAC,’’ saad nito.

‘’Alam naman natin na gumagana ang programa eh. It is one of the Duterte legacy programs that we have seen that is truly effective in neutralizing the insurgency program that we have in this country. I think whatever help we could give to the program, we should,’’ paliwanag ni Marcos.

Batid naman ni Rep. Sandro Marcos na may mga isyu sa reporting ng mga proyekto ang task force.

Kaya hiling niya sa task force sa susunod na taon.

‘’Ang nakukulangan lang narinig ko ay yung monitoring and reporting of the program in terms of expenditures and saan pupunta yung pera. So I hope that ngayon na na-restore ang P5-B, we can get assurances from the NTF-ELCAC program na mas maganda ang kanilang pagtakbo in terms of monitoring and reporting of the financial operations of the program which I’m sure na gagawin naman nila,’’ ayon nito.

Si Marcos ay isa sa mga kongresistang may matinding suporta sa NTF-ELCAC na siyang government task force para labanan ang Communist Terrorist Groups sa bansa.

Nagpasalamat naman si Marcos kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa matinding panindigan nito laban sa Communist Terrorist Groups.

At sa SMNI bilang hardliner sa laban ng pamahalaan kontra insurgency.

’Ako’y nagpapasalamat sa kanyang sinasabi. Ako’y nagpapasalamat sa kanyang suporta sa napakagandang programa ng ating pamahalaan. Sana tuloy-tuloy po at actually nakikita ko naman na SMNI who’s been very hardline talaga pagdating sa mga programa na anti-insurgency. Napakaganda po niyan,’’ saad ni Rep. Marcos.

Follow SMNI NEWS in Twitter