Pastor Apollo C. Quiboloy, may panawagan kay PBBM kaugnay sa NSA, NTF-ELCAC

Pastor Apollo C. Quiboloy, may panawagan kay PBBM kaugnay sa NSA, NTF-ELCAC

MAY panawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy, kaugnay sa National Security Adviser (NSA) at sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Tinatawagan natin ang mahal na Pangulong Marcos, paki-pansin po ninyo ang NTF-ELCAC. Paki-pansin po ninyo ang appointee ninyo na si NSA Sec. Clarita Carlos na walang ginagawa,” ani Pastor Apollo.

Ito ang mariing panawagan ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Punong Ehekutibo ng bansa kasunod ng mga pahayag sa programang Laban Kasama Ang Bayan (LKAB) kung saan tinalakay ang tila matamlay at walang direksyon na pagpapatakbo ng NSA sa NTF-ELCAC.

Ibinahagi ng dating kadre ng CPP-NPA-NDF na si Winefredo Doblizo, Jr o Ka Winnie ang totoong lagay ng task force sa Region 6.

“Actually yung NTF-ELCAC, particular dito sa Region 6 ay hindi naman huminto kahit na medyo matamlay or wala pang direksyon ang mga bagong officers ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, but then klaro naman ang marching order ni Pangulong Bongbong Marcos,” ayon kay Ka Winnie, former CPP-NPA cadre.

Sa kanyang programang Powerline, inilahad din ni Pastor Apollo ang kanyang sentimyento sa Pangulo upang bigyang-tuon ng pamahalaan ang task force.

“Marami na pong mga kababayan natin ang nakakapansin tulad nito si Ka Winnie sa Panay Island, na matamlay. Ako rin nakakapansin at lahat ng ating mga kababayan, lahat ng gobernador, mga mayores, matamlay ang inyong pangako dito sa ating NTF-ELCAC. Hindi ko naman kayo pinapangunahan. Hindi naman ako nagsasalita dito na parang ako ang awtoridad ng Pilipinas para sa bagay na ito. Pero sa amin pong nakikita, ang NTF-ELCAC, napakagandang proyekto para matapos ang insurhensiya. Kasi napatunayan na yan noong nakaraang administrasyon na nagsusurrenderan na ang lahat na walang putukan. Kasi nakita nila ang gobyerno ay mayroong ginagawa para sa kanila. Mayroong pamahalaan na umaaruga sa kanila. Kaya pakipansin po ito Mahal na Pangulo kasi tayo dito, kaming mga mamamayan ang nabubuntutan nito pag humina ito, lalakas na naman sila doon sa bundok tapos sisisihin na naman ang pamahalaan, ang gobyerno, babalik na naman sa inyo. Tapos lumakas itong mga ahas na ito. Kayo na naman, ah pasista kayo, kayo na naman Marcos, ganito ganyan. Huwag po, para tayo ay magkaisa, pagkat UniTeam tayo, pagkakaisa, asikasuhin po ang NTF-ELCAC fund o ang NTF-ELCAC boses. Senado man o sa Kongreso, at sa Office of the President. Palakasin po natin ito dahil ito ang susi na ang ating mga mamamayan ay magkaroon ng katahimikan diyan sa mga kanayunan,” saad ni Pastor Apollo.

Samantala, mayroon ding hiling ang tagapagsalita ng Regional Task Force-ELCAC ng Region 6 na si Prosecutor Chris Gonzales kay Pangulong Marcos.

“Mensahe namin kay Pangulong Bongbong Marcos, iregalo niyo na lang po sa amin ngayong Kapaskuhan. Maglagay po tayo ng mas bagay na mamumuno sa National Task Force ELCAC para naman po makausad na tayo sa 2023,” ayon naman kay Prosecutor Chris Gonzales, spokesperson, Regional Task Force-ELCAC VI.

“Kaya ito’y panawagan natin na kayong nasa posisyon, gamitin niyo ang posisyon ninyo para ang ating mamamayan ay magkaroon ng katahimikan at magkaroon ng kapayapaan, at magkaroon ng kumpyansa ang kalooban namin na kayo’y talagang umaaruga sa amin,” ayon pa sa butihing Pastor.

 

Follow SMNI News on Twitter