MAMAMAHAGI ng tulong pinansiyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga kababayan.
Ito’y ang inflation ayuda o tig-P500 tulong pinansiyal na ibibigay ng ahensiya sa loob ng 2 buwan.
Tiniyak ng ahensiya na agaran nilang ipamamahagi ang naturang tulong upang agad na magamit ng mga kababayan.
Kabilang sa makakabenepisyo ay ang mga nasa listahan ng 4Ps na maaaring kunin sa pamamagitan ng ATM sa Landbank.
Sa datos ng DSWD, aabot ng P18-B ang inilaang pondo para dito na mapapakinabangan ng 9.3 milyong benepisyaryo.