P6.8-M halaga ng shabu mula Canada, nasabat sa NAIA; Babaeng suspek, arestado

P6.8-M halaga ng shabu mula Canada, nasabat sa NAIA; Babaeng suspek, arestado

NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office NCR at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang naturang shipment mula Ontario, Canada. Idineklara itong naglalaman ng “ladies’ wear and bags,” ngunit natuklasang may lamang droga.

Tumambad ang tinatayang isang kilong shabu na nakasilid sa mga self-sealing plastic bag, binalot pa sa foil at cling wrap. Aabot sa ₱6,854,400.00 ang halaga ng nasamsam na droga.

Arestado ang 28-anyos na babae na itinago sa alyas “Ruth,” na siya ring nakapangalan bilang consignee ng parcel. Depensa niya, wala siyang kaalam-alam sa laman ng padala.

Bukod sa droga, nakuha rin sa suspek ang isang cellphone, notice card, at ilang identification cards—kabilang ang isang nasa kanyang pangalan, pati na ang iba pang umano’y pekeng ID gamit ang ibang katauhan.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad si “Ruth” at sasampahan ng kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble