P70 na flag-down rate sa taxi, muling inapela ng taxi operators

P70 na flag-down rate sa taxi, muling inapela ng taxi operators

MULING inapela ng taxi operators ang P70 na flag-down rate sa taxi.

Umapela muli sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) si Philippine National Taxi Operators Association President Bong Suntay na aksiyunan na ang kanilang inihaing motion for reconsideration noong mga nakalipas na taon.

Ayon kay Suntay, ito ay tumutukoy sa kanilang hiling sa ahensiya na itaas na kahit papaano ang flag-down rate sa taxi.

Punto nito, isang taon nang naka-pending sa LTFRB ang kanilang petisyon na noon pang 2019 inihain.

Sa panayam kay Suntay, kinumpirma nito na muli nilang iaapela na itaas sa P70 ang flag-down rate sa taxi mula sa kasalukuyang P40 flag-down rate.

Aniya, marami-rami nang taxi operators ang nalulugi dahil sa walang tigil na taas-presyo sa produktong petrolyo.

Panahon na aniyang tugunan ito ng LTFRB dahil lalo’t ikapitong linggo nang nagtataas-presyo sa krudo.

Hindi na aniya umaabot sa P1,000 ang nauuwing kita ng drayber dahil napupunta lahat sa gasolina.

Kung kaya’t, kailangan na aniya itong aksiyunan ng LTFRB at hindi lang nakatuon sa hinaing ng mga jeep, bus, at UV express.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble