Pa-fall scam o love scam, nauuso ngayon—CICC

Pa-fall scam o love scam, nauuso ngayon—CICC

INIHAYAG ng Cyber Crime Investigation and Coordinating Council (CICC) na maliban sa investment scam, shopping scam at crypto scam ay usung-uso na rin ang pa-fall scam o mas kilalang Love scam para makapang-budol.

Ayon kay CICC Director Rojun Hosillos, ang karaniwang nabibiktima ng pa-fall scam o love scam ay yaong mga may karelasyon sa online.

Ang scammer ay maaring narito sa loob ng bansa o nasa labas ng Pilipinas.

Ang scammer, kunwaring magpapadala ng regalo sayo at magpapanggap na nagkaproblema ito sa kargamento para mahingan ka ng pera.

Pero sa kalaunan malalaman mo na nabudol ka ng kasintahan mo dahil wala namang dumating na kargamento.

Sa bawat raid operation din ng mga awtoridad ay hindi nawawala ang love scam.

Sa bawat araw, libo-libo umano ang naipapadalang love scam at marami na nagrereport na nabibiktima sila nito.

Ayon kay Hosillos, maraming nagtatangkang manloko sa pamamagitan ng love scam dahil maraming nadadala kapag emosyon na ang pinag-uusapan.

Kaya payo ng CICC, huwag basta-basta papaloko, maniniwala, at pakakagat sa mga links na naipapadala sa atin.

Pagdating sa love scam ay mahirap habulin ang mga perpetrators.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble