12 Chinese national na sangkot sa ‘‘Love Scam’’ inireklamo ng money laundering sa DOJ

12 Chinese national na sangkot sa ‘‘Love Scam’’ inireklamo ng money laundering sa DOJ

SINAMPAHAN na ng Clark Freeport at Special Economic Zone Task Force against Trafficking ang 12 Chinese national ng money laundering complaints sa tanggapan ng DOJ.

Ang operasyon ng mga ito ay sa pamamagitan daw ng ‘‘Love Scam’’.

12 Chinese national ang inireklamo nang Clark Free Port at Special Economic Zone Task Force against trafficking sa DOJ kasunod nang pagkakasagip nang mahigit 1,000 biktima ng human trafficking sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad Sun Valley Hub sa Clark, Pampanga noong May 2023.

Money laundering complaints ang isinampa ng taskforce laban sa mga respondent dahil na rin sa milyong-milyong pera nakuha mula sa mga respondents dahil sa pangii-scam.

Sa imbentaryo, umabot sa P187-M kasama na ang mga foreign currency ang kanilang money launder.

Ang perang ‘yan ay nakuha mula sa mga nakuhang vault sa raid.

Ayon sa Task Force, ang anim na Chinese nationals ay team leader o bahagi ng management ng Sun Valley Hub.

Ang kanilang mga biktima idinaan sa love scam o pang-aakit para sila ay mag-invest sa crypto currency.

Ang kanilang biktima ay mula sa iba’t ibang lahi kung saan ang ilan sa mga ito ay mga Indonesian.

Dagdag pa nito, electronic ang kanilang ginawang pangangalap ng ebedensiya sa tulong ng mga eksperto sa Cybercrime Group.

Kabilang sa mga katuwang ng Task Force sa pagsasampa ng money laundering complaint ay ang PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), Clark Development Corporation, Anti-Money Laundering Council (AMLC), at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Mahalaga daw na masugpo ang money laundering sa bansa at maialis tayo sa greylist.

Napag alaman naman ang walo sa 12 Chinese national na sinampahan ng reklamo ay kasakukuyan nang nakakulong sa Camp Crame dahil sa dati na itong nakasuhan ng trafficking.

Samantala, marami naman sa mga biktima ay na na-repatriate na o napauwi na sa kanilang mga bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter